7 patay sa paglubog ng bangka malapit sa Malaysian border

By Ricky Brozas August 08, 2018 - 07:48 AM

Patay ang pitong pasahero ng isang passenger banca na lumubog sa karagatan ng Siamil malapit sa Malaysian border.

Ayon sa Philippine Coast Guard o PCG, nawawala pa ang hindi bababa sa siyam na pasahero.

Ang mga sinawing palad ay kabilang sa labing anim na pasaherong sakay ng bangka na naglayag mula sa Sitangkai, Tawi-Tawi patungo ng Sempprnah, Sabah, Malaysia.

Batay sa salaysay ng nag-iisang survivor na si Ibrahin Hassan Mandul, nangyari ang paglubog noong Hulyo 30, 2018 nang hampasin umano ng mga malalaking alon ang kanilang sinasakyang bangka dahilan para ito’y lumubog.

Patuloy naman ang search and retrieval operations ng PCG sa karagatang sakop o pinangyarihan ng insidente.

Nabatid na naagnas na ang pitong bangkay nang matagpuan ang mga ito ng mga mangingisda sa Sitangkai reefs.

Agad na inilibing ang mga bangkay ng mga nasawi bilang bahagi ng Muslim tradition.

 

TAGS: philippine coast guard, philippine coast guard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.