Bagyong Karding, halos hindi gumagalaw sa pwesto

Halos ‘stationary’ o hindi pa rin gumagalaw sa pwesto ang Bagyong Karding.

Ayon sa 4am weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,150 kilometro Silangan ng Calayan, Cagayan.

Napanatili rin ng tropical depression ang lakas ng hangin nito sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometro bawat oras.

Ayon sa weather bureau, patuloy na magiging mabagal ang pagkilos ng bagyo sa loob ng 24 oras.

Samantala, inaasahang magiging maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-uulan, pagkulog at pagkidlat sa Ilocos Region, Gitnang Luzon Metro Manila, buong Timog Luzon at Western Visayas.

Sa nalalabing bahagi naman ng Luzon at Visayas at buong Mindanao ay maalinsangan ang panahon liban na lamang sa mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

May nakataas na gale warning sa mga karagatan sa Zambales, Bataan, Cavite, Occidental Mindoro at Palawan.

Pinapayuhan ang mga mangingisdang may maliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot dahil sa malalakas na alon.

Read more...