EO sa localized peace talks inaprubahan na ni Pangulong Duterte

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order (EO) para sa localized peace talks sa rebeldeng grupo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nilagdaan ng pangulo ang EO sa cabinet meeting sa Malacañan.

Dagdag ng kalihim, ano mang oras ay maaring ilabas na ng Malacañan ang naturang EO.

Ayon kay Roque, kinakailangan na lamang tiyakin na magiging epektibo ang localized peace talks para makamit ang kapayapaan sa bansa.

“It was approved in the Cabinet meeting, so it is forthcoming. You know, I gave you the salient features earlier. So it’s still the same. It’s still based on the same framework that I discussed with you. Okay. So it was just made into an EO,” paliwanag ni Roque.

Kailangan din aniyang tiyakin na hindi makokompromiso ang integridad at soberenya ng bansa, dapat magkaroon ng tigil putukan, at dapat naaayon ito sa Philippine Development Plan 2022 at Philippine Development Program 2040.

Sinulong ng gobyerno ang localized peace talks matapos maantala ang alok na usaping pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).

Read more...