Grupo ng ekspertong pag-aaralan ang ligalidad ng PH-CN joint exploration aprubado na ng pangulo
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng grupo na mag-aaral sa ligalidad ng panukalang joint exploration ng Pilipinas at China sa South China Sea.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, may go signal na ng pangulo ang kanyang panukala na bumuo ng grupo ng mga ekspeto mula sa gobyerno, academe, at pribadong sektor na titingin sa ligalidad at ibang aspeto ng joint exploration.
Ang joint working group ay bubuuin ng mga opisyal ng gobyerno mula sa Departments of Foreign Affairs (DFA), Department of National Defense (DND), Department of Energy (DOE), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Justice (DOJ), at Office of the Solicitor General.
Gayundin ang mga academic experts sa international law, langis, at gasolina at mga pribadong indibidwal na eksperto sa commercial energy.
Magiging trabaho ng grupo ang pagbalangkas ng framework na parehong tatanggapin ng Pilipinas at China.
Una nang sinabi ni Cayetano na bukas ang bansa sa 60-40 deal, pabor sa Pilipinas, sakaling matuloy ang joint exploration sa China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.