Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang halos 500 kilo ng hinihinalang shabu sa Port of Manila kasunod ng tip mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP).
Ayon sa PDEA, ang kontrabando ay nagkakalahaga ng halos P3.4 billion.
Dumating ang shipment noong June 28 sa isang container van na galing sa Malaysia.
Naka-consign ito sa Vecaba Trading International na walang accreditation mula sa BOC at isang Vedasto Cabral Araquel ng Sampaloc, Manila ang consignee.
Batay sa mga dokumento, ang shipment ay idineklarang mga doorframes para sa construction pero walang kumuha sa kontrabando sa loob ng 30 araw.
Idineklara itong abandoned at nang binunksan ay nadiskubre na naglalaman ng magnetic lifters kung saan nakalagay ang shabu.
Ayon sa PDEA, pwedeng ginawa lamang na transshipment point ang Malaysia pero ibang bansa ang orihinal na source.
Sinabi naman ni Customs Commissioner Isidro Lapeña na sadyang hindi dadaan ang shipment sa clearing process dahil hindi accredited ang consignee kaya malamang na ipapalusot lamang ang kontrabando.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.