Mga pulis na sangkot sa krimen ipapapatay ni Pangulong Duterte

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na sangkot sa mga krimen na papatayin niya ang mga ito dahil sa pagsira sa bansa at sa imahe ng Philippine National Police (PNP).

Sa presentasyon sa Malacañan ng mahigit 100 pulis na sangkot sa iba’t ibang kaso, sinabi ng pangulo na may tututok sa kanila at kapag sila ay gumawa ng kasalanan ay ipapapatay niya ang mga ito.

Ayon sa pangulo, kapag napatay ang kriminal na pulis ay nagrereklamo ng due process ang pamilya nito gayung ito ang sumisira sa bansa at pumapatay sa kapwa pulis.

Sinabihan din ni Duterte ang pamilya ng mga pulis na sangkot sa krimen na salot ang mga ito at walang silbi sa bansa.

Sagot umano ng pangulo kapag napatay ang pulis na kasama sa iprinisinta sa kanya at magiging bahagi na lang anya ito ng kasaysayan

Read more...