VP Robredo planong maghain ng criminal case vs. Drew Olivar

By Rhommel Balasbas August 08, 2018 - 04:34 AM

Viral ngayon sa Twitter ang video ng blogger na si Drew Olivar kung saan pinagmumura nito at tinawag ng kung anu-ano si Vice President Leni Robredo.

Si Olivar ang kasama ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa kontrobersyal na ‘ipederalismo’ video.

Sa video na kumakalat ngayon sa Twitter makailang beses na minura ni Olivar si Robredo at inakusahan pa itong kung sinu-sino ang nakakatalik habang nasa South Africa.

Inakusahan niya rin ang bise presidente na nasa naturang bansa para sa photo opportunities lang habang walang ginagawa dito sa Pilipinas.

“Forty-eight years ka nang nandiyan sa South Africa wala ka pa rin dito. Puro photo op ka parati diyan put*** i** mo, Pasiklab ka na naman na parang mabait ka na naman na parang tumutulong ka e nandiyan ka lang naman nagpapakan***, ani Olivar.

Binatikos din ng blogger ang pag-aaral ni Aika Robredo, panganay ng bise presidente sa Harvard’s John F. Kennedy School of Government kung saan inaakusahan nito ang mag-ina na ginagamit ang pera ng bayan para sa pag-aaral ng nakababatang Robredo.

“‘Yang anak mo, mag-aaral sa Harvard P150,000 or P200,000 ang lifestyle tapos wala namang gagawin sa bayan,” dagdag ni Olivar.

Ipinagtanggol ng supporters si Robredo at sumangguni sa legal counsel ng bise presidente.

Sa isang tweet, sinabi ng spokesperson ng opisyal na si Atty. Barry Gutierrez na kasalukuyan na nilang pinag-aaralan ang pagsasampa ng criminal complaint laban kay Olivar.

Samantala, ang pagpunta ni Robredo sa South Africa noong nakaraang taon ay dahil sa imbitasyong magsalita ito sa isang conference para sa kababaihan at dumalo rin ito sa roundtable discussion kasama ang South African parliament tungkol sa korapsyon.

Ang anak naman niyang si Aika ay nakapag-aral sa Harvard dahil sa natanggap na scholarship.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.