BMX rider magbibitbit ng bandila ng Pilipinas sa Asian Games

By Justinne Punsalang August 08, 2018 - 12:28 AM

Pinangalanan na ang napiling magdadala sa bandila ng Pilipinas para sa pagbubukas ng 18th Asian Games na gaganapin sa Jakarta, Indonesia.

Ito ay sa katauhan ni Daniel Caluag na isang BMX rider na siya ring tanging nakapaguwi ng gintong medalya noong nakaraang 2014 Asian Games.

Pangungunahan ni Caluag ang 272 mga atleta ng bansa na silang magpapartisipa sa 35 mga sporting events sa nasabing palaro.

Isa sa pinagpiliian upang magbitbit ng bandila ng Pilipinas si 2016 Olympic silver medalist Hidilyn Diaz.

Ngunit ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) chairman Bambol Tolentino, mas matimbang ang pagkapanalo ni Caluag sa Asian Games noong 2014.

Gaganapin ang opening ceremony ng 2018 Asian Games sa August 18 sa Gelora Bung Karno Main Stadium sa Jakarta, Indonesia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.