Bagyong Karding napanatili ang lakas

By Rhommel Balasbas August 07, 2018 - 11:45 PM

Napanatili ng Tropical Depression Karding ang lakas nito at halos hindi kumikilos habang nasa karagatan ng Pilipinas.

Sa 11pm advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,160 kilometro Silangan ng Calayan, Cagayan.

Taglay pa rin nito ang lakas na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometro kada oras.

Walang storm warning signal ang nakataas sa anumang bahagi sa ngayon.

Ayon sa weather bureau, bagaman hindi tatama sa kalupaan, inaasahang palalakasin nito ang Habagat na magdadala ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-uulan sa kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon simula sa Biyernes.

Mapanganib ang paglalayag sa weatern seaboards ng Cental at Southern Luzon ayon sa PAGASA.

Sa Sabado inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Karding.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.