DOJ kinastigo dahil sa pagkuha ng mga contractual staff
Pinapupunan ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang libu-libong unfilled positions sa Department of Justice.
Sa pagdinig ng budget sa mababang kapulungan, sinabi ni Zarate na aabot sa 1,530 ang unfilled positions sa DOJ ngayong 2018 kung saan 750 na mga empleyado dito ang mga nasa job orders, contractuals at contract of service na status.
Ito rin umano ang bilang ng mga unfilled positions sa kagawaran noong 2017.
Giit ni Zarate, hindi sumusunod ang DOJ sa joint circular order ng Department of Budget and Managament, Civil Service Commission at Commission on Audit na nagbabawal na sa job orders, contractuals, at contract of service sa pamahalaan.
Sinabi pa nito na nag-hire ang DOJ sa kabila ng inilaang pondo para sa pagkuha ng mga regular na empleyado.
Paliwanag naman ni Justice Sec. Menardo Guevarra, sinusubukan na nilang punan ngayong taon ang mga unfilled positions lalo na ang nasa prosecution service.
Sa kasalukuyan aniya ay mayroong 400 hanggang 500 na posisyon sa DOJ ang naghihintay ng appointment na aaprubahan ng Malacañang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.