Duterte hindi natawa sa “pederalismo video” ni Mocha Uson

By Chona Yu August 07, 2018 - 03:51 PM

Inquirer file photo

“Very cool”.

Yan ang naging reaksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte nang mapanood ang viral video nina Presidential Communications Asec. Mocha Uson at ng blogger na si Drew Olivar na malaswang ipinopromote ang Pederalismo.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bukod sa cabinet meeting ay nagkaroon siya ng hiwalay na meeting kagabi si Pangulong Duterte kasama sa sina Executive Sec. Salvador Medialdea, Finance Secretary Carlos Dominguez at Budget Secretary Benjamin Diokno at napag-usapan ang isyu kay Uson.

Sinabi ng opisyal na hindi naman natawa ang pangulo sa video ni Mocha at Olivar.

Dahil aniya sa naging kontrobersiyal na ang video, sinabi ni Roque na mas makabubuting samantalahin na lang ang oportunidad sa mas matalinong diskurso.

Paliwanag pa ni Roque, naniniwala ang pangulo sa freedom of expression. I

“Sa ngayon, ikinakasa na ng inter-agency committee ang pagpapaliwanag sa pederalismo. may mga suhestyon na aniya ang inter agency na gumawa ng komiks at jingle para mas madaling maintindihan ng taong bayan ang Pederalismo”, ayon pa sa opisyal.

 

TAGS: Drew Olivar, pcoo, Pederalismo, Roque, uson, Drew Olivar, pcoo, Pederalismo, Roque, uson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.