Dagdag-singil sa kuryente, ipatutupad ng Meralco

 

Inquirer file photo

Inanunsyo ng Manila Electric Company o Meralco na bahagyang tataas ang singil ng kuryente ngayong Agosto.

Ayon sa Meralco, P0.0265 per kilowatt hour ang itataas sa August bill.

Ito’y dahil nagmahal ang kuryente na galing sa mga supplier.

Kung susumahin, ang mga kumukunsumo ng 200 kilowatt hour ay may dagdag na P5.30 sa kanilang bill; at kapag 300 kilowatt hour, may P7.95 na rate hike.

Kung 400 kilowatt hour naman, may dagdag-singil na P10.60 habang P13.25 kapag ang konsumo ay 500 kilowatt hour.

 

Read more...