Hiling ni Sen. de Lima na dumalo sa oral arguments sa ICC withdrawal, ibinasura ng SC

By Isa Avendaño-Umali August 07, 2018 - 01:41 PM

 

Tinanggihan ng Korte Suprema ang hiling ni detained Senator Leila de Lima na makadalo sa itinakdang oral arguments sa August 14, 2018 ukol sa withdrawal ng Pilipinas sa International Criminal Court o ICC.

Sa botong 10-2, mayorya sa mga mahistrado ang bumoto para sa pagbasura sa pakiusap ni de Lima.

Habang sina Acting Chief Justice Antonio Carpio at Associate Justice Francis Jardeleza lamang ang bumotong pabor sa pagdalo ng senadora sa oral arguments.

Paliwanag ng Korte Suprema, walang mabigat na rason para payagan si de Lima na magpakita sa ICC pullout oral arguments.

Ipinunto pa ng Supreme Court na may umiiral na restriksyon para kay de Lima, na nakakulong dahil sa kasong may kinalaman sa droga.

Noong Marso, inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagwithdraw ng Pilipinas mula sa ICC.

Ito’y makaraang ihayag ng international tribunal na sisimulan na nila ang preliminary investigation tungkol sa communication na inihain ni Atty. Jude Sabio na nag-aakusa kay Presidente Duterte na may pakana raw ng “mass murder.”

Pero giit ng mga senador, hindi maaari na basta-basta ang withdrawal ng Pilipinas sa ICC o sa iba pang international agreement, dahil mangangailangan ito ng pagpapawalang-bisa ng batas.

 

TAGS: Senator Leila De Lima, Supreme Court, Senator Leila De Lima, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.