Federalism video ni Asec. Mocha, nagdulot ng lamat at sama ng loob – DILG official

By Isa Avendaño-Umali August 07, 2018 - 11:19 AM

DILG Usec. Epimaco Densing

Aminado ang isang opisyal ng Department of Interior and Local Government o DILG na nagkaroon ng pinsala sa isinusulong na Pederalismo ang kontrobersyal na “Federalism video” ni Assistant Secretary for Presidential Communications Mocha Uson at blogger na si Andrew Olivar.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing na bukod sa may naidulot na “damage” ang Federalism video nina Uson at Olivar ay marami rin ang sumama ang loob.

Kabilang na aniya rito ang iba’t ibang grupo na nag-oorganisa ng mga program para maibahagi sa mga tao ang mga impormasyon ukol sa Pederalismo.

Ayon kay Densing, ang mga grupong ito ay matitiyaga sa pag-iikot sa iba’t ibang lugar sa bansa at gumagastos pa mula sarili nilang mga bulsa upang mapaintindi sa mga ordinaryong Pilipino kung ano nga ba ang Federalism at bakit ito itinutulak ng Duterte administrasyon.

Sinabi ni Densing na bagama’t talagang nagka-lamat dahil sa Federalism video nina Uson at Olivar, kailangan umanong magpatuloy ang pagsusulong sa Pederalismo sa tamang paraan.

Hamon naman ng opisyal sa mga kontra sa Federalism, harapin ng mga ito ang mga pro-Federalism sa isang public debate, nangsagayon ay mas matimbang din ang publiko ang Pederalismo.

 

TAGS: Asec Mocha Uson, DILG, federalism, Asec Mocha Uson, DILG, federalism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.