2 LPA na binabantayan ng PAGASA, magiging bagyo; bagyong nasa labas ng bansa, pinalalakas ang Habagat

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang dalawang Low Pressure Area na parehong may posibilidad na maging ganap na bagyo.

Ayon kay PAGASA Weather Specialist Shelly Ignacio ang isang LPA ay huling namataan sa 1,245 kilometers east ng Aparri, Cagayan.

Posible aniyang maging ganap itong bagyo sa susunod na 12 hanggang 48 oras at papangalanan itong Karding.

Samantala, ang isa pang LPA ay huli namang namataan ng PAGASA sa 550 kilometers west ng Subic, Zambales at may posibilidad ding maging bagyo.

Pinalalakas naman ng isang bagyo na nasa labas ng bansa at may international name na Shanshan ang Habagat.

Sa pagtaya ng panahon ngayong araw, sinabi ng PAGASA na makararanas ng mga pag-ulan dahil sa Habagat ang mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro Provinces, Palawan at ang Western Visayas.

Ang nalalabi namang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao ay makararanas lang ng isolated na pag-ulan dulot ng thunderstorms.

Read more...