Kinilala ang nasawing tulak ng iligal na droga na si Marcelino Peña alyas Onel, 43 taong gulang na residente ng Barangay Bunsuran III sa kaparehong bayan.
Ayon sa mga operatiba ng Pandi Municipal Police, alas-12:05 ng hatinggabi nang magkasa sila ng buy bust operation laban kay Peña bilang bahagi ng kanilang isinagawang Simultaneou Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) sa lugar.
Natunugan umano ng suspek na pulis ang kanyang katransaksyon, dahilan upang bumunot ito ng baril at magpaputok.
Gaumanti ng putok ang mga pulis kaya nauwi sa engkwentro ang operasyon, na nagresulta sa pagkamatay ni Peña.
Narekober ng mga otoridad mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang hindi pa batid na kalibre ng baril at mga iligal na drogang itinitinda ng suspek.