DOJ, suportado ang panukalang ilipat na ang NBP sa labas ng Muntinlupa City

Inquirer file photo

Nagpahayag si Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ng pagsangayon sa suhestyon na alisin na sa Muntinlupa City ang National Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Guevarra, dapat ay mailipat ang pambansang piitan sa lugar na mas manageable, hindi siksikan, at hangga’t maaari ay malayo sa mga lugar na mayroong negosyo o residente.

Dagdag pa ng kalihim, dapat ay magkaroon ng rehabilitation facility sa loob mismo ng kulungan.

Nauna nang iminungkahi ni Muntinlupa Representative Ruffy Biazon na ilipat ang NBP sa Laur, Nueva Ecija.

Ngunit ayon kay Oriental Mindoro Representative Doy Leachon na siyang vice chairman ng House Committee on Appropriations, masyadong malaking pondo ang ilalaan para sa pagbuo ng mas malaking kulungan sa Laur sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP).

Ayon sa mambabatas, aabutin kasi ng P150 milyon ang gagastusin ng pamahalaan para dito.

Read more...