Pondo para sa pederalismo dapat gamiting pambiili ng gamot ayon kay Senadora Binay

By Justinne Punsalang August 07, 2018 - 05:11 AM

Sinabi ni Senadora Nancy Binay na dapat ipambili na lamang ng gamot para sa mga kabataan o ipang-ayuda sa mga biktima ng kalamidad ang P90 milyong pondo para sa pederalismo.

Ang reaksyon ng senadora ay bunsod ng kontrobersyal na video ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson ay blogger na si Drew Olivar,

Sa isang pahayag ay sinabi ni Binay na mas makabubuting i-divert na lamang ang pondo dahil hindi naman kaila na ang healthcare ng bawat isang Pilipino ay mahalaga.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay sinabi ng senadora na nais niyang paimbitahan si Uson sa mga pagdinig ng Senado ukol sa charter change at pederalismo matapos sabihin ng Consultative Commitee na nais nilang gamitin si Uson sa kanilang information campaign.

Ngunit ayon kay Binay, makikita lamang sa kontrobersyal at viral na video na hindi sinisiryoso ni Uson ang naturang usapin.

Ani Binay, dapat ay maging malinaw sa lahat na ang usapin tungkol sa pederalismo ay hindi isang bagay na katatawanan lamang.

Ayon pa sa senadora, dapat ay kumuha ang pamahalaan ng mga opisyal na tunay na mayroong kapasidad upang ipaliwanag ang tungkol sa pagpapalit ng porma ng pamahalaan.

TAGS: Nancy Binay, Pederalismo, Nancy Binay, Pederalismo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.