Isang magnitude 3.2 na lindol ang naramdaman sa bayan ng Hinunangan sa Southern Leyte.
Batay sa report na inilabas ng PHIVOLCS, naganap ang pagyanig bandang alas-11:18 kagabi.
Naitala ang episentro ng lindol sa layong 10km hilagang silangan ng Hinunangan.
May lalim itong 22km at tectonic ang pinagmulan.
Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang anumang pagkasira ng ari-arian, maging aftershocks ang naganap na pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.