Ayon sa Civil Protection Agency, 44 katao na ang nangailangan ng medikal na atensyon, kabilang ang isang 72 taong gulang na babae na nagtamo ng matinding pinsala, dahil sa malawakang sunog na nagaganap sa lugar.
Ayon sa mga otoridad, nakararanas ngayon ng heatwave o matinding init sa lugar dahil sa mainit na hanging nanggagaling naman sa Hilagang Africa.
Lumabas sa weather forecast sa Monchique na bahagya nang lumalamig ang temperatura kaya naman umaasa ang mga bumbero na makatutulong ito sa kanilang pag-apula sa sunog.
Dahil sa wild fire ay mahigit 1,100 pamatay sunog na ang idineploy sa lugar. Gamit ng mga ito ang 327 fire truck at walong-dropping planes.
Samantala, ang ibang bahagi naman ng Europa ay nakararanas din ng matinding init. Sa katunayan ay apat na nuclear reactors na ang pansamantalang isinara sa Frrance dahil sa matinding init.
Ang Sweden naman ay nakararanas rin ng ilang mga wild fire.
Ayon kau European Union Humanitarian Aid Commissioner Christos Stylianides, ang matinding init ay dulot ng pagbabago ng klima sa buong mundo o climate change.