Philippine team para sa basketball tournament ng Asian Games, nag-ensayo na
Nagsama-sama na sa unang pagkakataon ang mga manlalaro mula sa iba’t ibang koponan para sa unang ensayo bilang preparasyon sa 2018 Asian Games basketball tournament.
Sa naganap na unang practice ng national team, tanging si Christian Standhardinger ng San Miguel Beermen ang hindi nakadalo matapos nitong maglaro para sa Game 5 ng PBA Commissioner’s Cup Finals noong Linggo.
Ayon sa coach ng koponan na si Yeng Guiao, layunin ng unang araw ng ensayo ang pagsama-samahin ang mga manalalaro, maging pamilyar ang mga ito sa isa’t isa, at paalalahanan ang mga ito kung ano ang mangyayari sa mga darating na araw.
Kabilang sa mga dumalo sa unang araw ng practice ang mga Gilas cadets na sina Kobe Paras at Ricci Rivero na nanggaling pa ng bansang Serbia matapos sumailalim sa training camp kasama ang koponan ng University of the Philippines.
Naroon din sa practice sina Paul Lee, Stanley Pringle, Gabe Norwood, James Yap, Chris Tiu, Beau Belga, Raymond Almazan, Maverick Ahanmisi, Asi Taulavam, at JP Erram.
=
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.