Presyo ng mga produktong petrolyo,  bahagyang bababa

Epektibo ngayong araw ang bahagyang pagbaba sa presyo ng mga prudktong petrolyo.

May tapyas na 10 centavos kada litro ang diesel at gasolina.

Habang nasa 25 centavos kada litro naman ang bawas sa kerosene.

Ito ay kasunod ng malaking taas presyo noong nakaraang linggo sa mga produktong pretrolyo.

Una ng nagpatupad ng bawas presyo ang Seaoil na epektibo kaninang 12:01 am habang mamaya pang 6 am ang ibang kumpanya ng langis gaya ng Flying V, Phoenix Petroleum, Pilipinas Shell Petroleum Corp., PTT Philippines at Total Philippines.

Read more...