Mayor Sara Duterte, iginiit na hindi tatakbong senador sa 2019
Iginiit ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi siya tatakbo bilang senador sa 2019 midterm elections.
Ito ang naging pahayad ni Sara sa isinagawang oath-taking ng nasa 5,000 bagong miyembro ng Hugpong ng Pagbabago (HNP), isang regional political party na kanyang pinamumunuan na ginanap sa provincial gym ng Malita, Davao Occidental.
Ayon kay Sara masyado pang maaga para ideklara na sasabak sa national ang HNP kahit na may mga panawagan ang ilang mga pulitiko mula sa ibang lugar na sumali dito.
Dumalo din sa nasabing event sina Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, Special Assistant to the President Christopher Go,Maguindanao 2nd District Rep. Zajid Mangudadatu, Bucor Chief Ronald dela Rosa at Presidential spokesman Harry Roque na nanumpa bilang myembro ng HNP.
Una dito ay sinabi na ni Pangulong Rodrigo Duterte na hini tatakbo ang kanyang anak sa isang national position.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.