De Lima, hinimok ang Senado na kilalanin ang konrtibusyon ni Carpio-Morales sa hudikatura at public service

By Rod Lagusad August 07, 2018 - 04:46 AM

Hinimok ni Senator Leila De Lima ang Senado na kilalanin ang naging kontribusyon ni dating Supreme Court Associate Justice at Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa hudikatura at sebisyo publiko.

Inihain ni De Lima ang Senate Resolution No. 812, kung saan nakasaad na nagpamalas si Morales ng mataas na antas ng ethical standards sa public service na magsisilbing inspirasyon sa mga kabataan at susunod na henerasyon ng mga Pilipino.

Naging halimbawa aniya si Morales ng hindi pagkiking korap, sipag, vision at pagiging isang lider.

Matatandaang nagretito na bilang Ombudsman si Morales matapos ang pitong taong termino mula 2011 hanggang 2018.

Si Morales ang ikalawang Ombudsman na nakumpleto ng buo ang termino sunod kay Aniano Desierto.

TAGS: Conchita Carpio-Morales, leila de lima, Conchita Carpio-Morales, leila de lima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.