Reward para sa ikaaresto ng mga dating mga mambabatas, welcome kay Albayalde

By Rod Lagusad August 07, 2018 - 04:44 AM

Welcome kay PNP chief Director General Oscar Albayalde ang paglalabas ng reward para sa ikakadakip ng mga dating mga mambabatas na pinaghahanap ngayon ng batas.

Ayon kay Albayalde, dapat ipatupad ng Philippine National Police (PNP) ang batas kahit na sangkot pa dito ang mga pulitiko.

Bukas ang PNP sa inihaing reward money ng isang civilian group para sa ikakaresto ng mga dating mga mambabatas na sina Satur Ocampom Teodoro Casiño, NAPC Chair Liza Maza at Rafael Mariano of Anakpawis.

Maging sa ibang pinaghahanp ng batas na sina Vicente Cayetano, Delfin Pimentel at Emeterio Antalan.

Ang nasabing pito ay wanted kasong murder.

Dagdag ni Albayalde na ang naturang pabuya ay siyang magtutulak sa mga maaaring maging informant na makapagbigay ng mga impormasyon sa kinaroroonan ng mga ito.

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Albayalde na ang pabuya ay hindi opisyal na bahagi ng reward program ng gobyerno.

Una nang naglabas ng warrant of arrest si Judge Evelyn Atienza Turla ng Regional Trial Court Branch 40 ng Palayan City.

TAGS: Oscar Albayalde, PNP, Oscar Albayalde, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.