Inakusahan ni Uson ang mga senador na nakinabang sa dayaan sa eleksiyon noong 2016.
Sa kanyang Facebook post ay todo aniya ang batikos ng mga ito sa viral video na pagsasayaw sa sinasabing federalismo dance pero wala namang reksiyon sa naging isyu ng dayaan sa 2016 elections.
Iginiit ni Uson na wala siyang natanggap na kahit ano samantalang ang mga senador umanot ay lubos na nakinanabang aniya sa dayaan o ang mga kaibigan ng mga ito.
Ikinadismaya ng mga senador ang nag-viral na video kung saan makikita ang kasamang blogger ni Uson na si Drew Olivar na sumasayaw ng sinasabing federalism dance.