Asec Mocha Uson, binatikos ang mga senador na umalma sa viral na ‘federalism dance’

By Rod Lagusad August 07, 2018 - 04:39 AM

Binatikos ni Presidential Communications Group Assitant Secretary Mocha Uson ang mga senador na umalma sa naging viral na ‘federalism dance’ video.

Inakusahan ni Uson ang mga senador na nakinabang sa dayaan sa eleksiyon noong 2016.

Sa kanyang Facebook post ay todo aniya ang batikos ng mga ito sa viral video na pagsasayaw sa sinasabing federalismo dance pero wala namang reksiyon sa naging isyu ng dayaan sa 2016 elections.

Iginiit ni Uson na wala siyang natanggap na kahit ano samantalang ang mga senador umanot ay lubos na nakinanabang aniya sa dayaan o ang mga kaibigan ng mga ito.

Ikinadismaya ng mga senador ang nag-viral na video kung saan makikita ang kasamang blogger ni Uson na si Drew Olivar na sumasayaw ng sinasabing federalism dance.

TAGS: federalism, mocha uson, federalism, mocha uson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.