Philippine Air Force, makakatanggap ng apat na OV-10 planes mulasa US

By Rod Lagusad August 07, 2018 - 04:38 AM

Apat na OV-10 Bronco light attack planes mula sa US ang ibibigay ng nito sa Pilipinas bilang pagsuporta sa layong modernisasyon ng bansa ayon kay DND Secretary Delfin Lorenzana.

Aniya maibibigay ang nasabing mga attack planes sa Philippine Air Force ngayon taon o sa unang bahagi ng susunod na taon.

Dagdag pa ni Lorenza, tanging ang pagkakagastusan ng Pilipinas ay ang shipment ng mga nasabing aircraft.

Ang mg OV-10 planes ay isang Vietnam War-era plane na siyang ginamit ng Air Force sa pagbomba sa terorista noong nakaraang taon.

Dagdag ang mga ito sa anim na kaparehong unit na nasa inventory ng Air Force.

TAGS: OV-10 Bronco light attack plane, PAF, OV-10 Bronco light attack plane, PAF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.