Guilty verdict laban kay Carlos Celdran, pinagtibay ng SC

By Len Montaño August 07, 2018 - 04:22 AM

Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng mababang korte na guilty ang tourist guide na si Carlos Celdran sa gimik nitong Padre Damaso noong September 2010 sa misa sa Manila Cathedral bilang pagtutol sa pagpasa noon ng Reproductive Health Bill.

Sa kanyang Facebook post ay sinabi ni Celdran na ibinasura ng Supreme Court First Division ang kanyang motion to reconsider sa ruling ng Court of Appeals na kumatig sa unang desisyon ng Manila Metropolitan Trial Court Branch 4 at Manila Regional Trial Court Branch 32 sa hatol sa kanyang guilty sa “offending religious feelings” na may kaukulang parusa sa ilalim ng Revised Penal Code.

Nahaharap si Celdran sa minimum na 3 buwan hanggang 1 taon at 1 buwan na pagkakulong.

Idinahilan nito dati ang freedom of speech sa kanyang mosyon para siya ay mapawalang-sala.

Argumento nito, ang sign na ginamit niya sa protesta na may nakasulat na “Father Damaso” ay isang political speech at kanyang paraan para iparating sa mga pari na tutol siya sa RH law.

Pero ibinasura ng CA ang katwiran ni Celdran dahil wala itong naipakitang mali sa desisyon ng mababang korte dahilan kaya idinulog sa Korte Suprema ang kaso.

TAGS: Carlos Celdran, Supreme Court, Carlos Celdran, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.