Plebisito sa BOL, isasagawa sa susunod na 90-150 na araw matapos malagdaan ni Duterte

By Chona Yu August 07, 2018 - 04:19 AM

Sa Nobyembre 2018 hanggang Enero ng susunod na taon maaring isagawa ang pelebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jess Dureza, nakasaad sa batas na siyamnapu hanggang isandaan at limampung araw pagkatapos maaprubahan ang Bangsamoro Organic Law ay tsaka lang maaring isagawa ang pelebisito.

Kasabay nito, sinabi ni Moro Islamic Liberation Front Peace Implementing Panel Chairman Mohagher Iqbal na tuloy ang decommissioning sa mga armadong miyembro.

Isinagawa aniya ang 30 percent na decommission ng armadong miyembro ng MILF pagkatapos maratipikahan ang BOL habang isasagawa ang 35 percent ng decommissioning pagkatapos ng pelebisito at appointment ng Bangsamoro Transition Authority at ang final na 35 percent na decommissioning ay isasagawa kapag naitatag na ang Bangsamoro government.

Aabot sa 30 hanggang 40,000 na ga armadong miyembro ang meron ang MILF.

Kapag hindi nakalusot sa plebisito ang BOL, mananatili pa rin ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

TAGS: BOL, plebesito, BOL, plebesito

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.