Pagbasura sa mga kaso at reklamo na matagal nang nakabinbin sa Ombudsman, ipababasura na ni Martires

By Erwin Aguilon August 07, 2018 - 04:08 AM

Bukas na bukas ay ipag uutos ni Ombudsman Samuel Martires ang pagbasura sa mga kasong matagal ng nakabinbin sa kanilang tanggapan.

Sa pagdinig ng 2019 budget ng Ombudsman sa Kamara, sinabi ni Martires na ipababasura niya ang mga reklamong nasa kanila na may isang taon na o higit pa na nasa isinasailalim sa fact finding investigation.

Paliwanag ni Martires, ang gagawing pagbasura ay without prejudice o maari pang isampa.

Kaugnay nito ipinag utos na ng Ombudsman ang imbentaryo sa mga kaso at reklamong nakasampa sa kanila.

Ang hakbang ng Ombudsman ay kasunod ng ginawang pagsita ng Supreme Court sa mga kasong ibinabasura ng Sandiganbayan dahil sa inordinate delay na umabot na sa 135.

TAGS: ombudsman, Samuel Martires., ombudsman, Samuel Martires.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.