Mga Pinoy ligtas sa magnitude 7 na lindol sa Indonesia

By Alvin Barcelona August 06, 2018 - 08:02 PM

AP photo

Walang nasaktang Pinoy sa malakas na lindol na yumanig sa Lombok at Bali, Indonesia nitong weekend.

Ang pagtiyak ay ginawa ng Department of Foreign Affairs kasunod ng magnitude 7 na lindol na tumama sa nasabing mga isla na ikinamatay ng hindi bababa sa 98 katao at ikinasugat ng mahigit na 200 iba pa.

Sa pahayag ng DFA, walang nadamay sa 250 na mga Pinoy na nananatili ngayon sa Lombok.

Nasa ligtas ding kalagayan ang delegasyon ng Pilipinas na nasa tourist island of Lombok para sa isang pulong.

Kaugnay nito nagparating si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima ng lindol sa Indonesia.

Samantala, sinabi ni National Disaster Mitigation Agency spokesman Sutopo Purwo Nugroho na patuloy pa ring nararamdaman ang mga aftershocks sa lugar.

Umaabot na rin sa higit sa 20,000 ang naninirahan ngayon sa mga temporary shelters makaraang masira ng lindol ang kani-kanilang mga bahay.

TAGS: Cayetano, DFA, indonesia, lombok, quake, Cayetano, DFA, indonesia, lombok, quake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.