Mga Pinoy sa Afghanistan pinauuwi na ng DFA

By Alvin Barcelona August 06, 2018 - 04:39 PM

Inquirer file photo

Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasa 1,500 Pinoy sa Afghanistan na umuwi na sa bansa o di kaya ay maging maingat sa harap ng lumulubhang tensyon sa nasabing bansa.

Sa isang mensahe, hinikayat ni DFA Sec. Alan Peter Cayetano ang mga Pinoy sa Afghanistan na karamihan ay nasa mga base militar na iwasan ang paglabas sa kanilang mga kampo.

Noong nakaraang linggo kasi 30 katao ang nasawi kasunod ng magkasunod na suicide bombing sa isang Mosque doon.

Base sa tala ng DFA, nasa 200 katao na ang namamatay dahil sa mga terror attack sa Afghanistan sa nakalipas na buwan.

Kaugnay nito sinabi ni Cayetano na handa ang embahada ng Pilipinas sa Islamabad na i-repatriate ang mga pinoy sa Afghanistan na desididong umuwi sa Pilipinas.

Samantala, nagpatupad na rin ang DFA ng travel at deployment ban sa Afghanistan dahil sa kalagayang pangseguridad doon.

TAGS: afghanistan, Cayetano, DFA, terror act, afghanistan, Cayetano, DFA, terror act

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.