Send-off para sa Pinoy players sa Asian Games pamumunuan ni Duterte

By Chona Yu August 06, 2018 - 03:38 PM

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang send off ceremony sa mga atletang kalahok sa Asian Games sa Indonesia simula sa Agosto 18 hanggang Setyembre 2.

Ayon kay Special Assistant to the Presidenti Christopher “bong” Go, gaganapin ang sermonya sa Agosto 13 sa Malacañang kung saan kabilang sa ipapadala rin ang basketball team ng Pilipinas na muntik pang hindi matuloy ang pagpapadala.

Ayon kay Go, buo ang suporta ni Pangulong Duterte sa delegasyon ng Pilipinas dahil isa ang sports gaya ng basketball ang paraan para mailayo ang mga kabataan sa pagkakalulong sa iligal na droga.

Inihayag ni Go na nakakalungkot at nakapanghihinayang isipin kung wala sanang koponan ng basketball na ipapadala ang Pilipinas gayung ang larong ito ay nasa puso ng halos lahat ng mga Pinoy.

Iginiit ng opisyal na hindi katanggap-tanggap na wala ng kinatawan ang Pilipinas sa larong basketball sa Asian Games dahil kayang-kaya naman ng gobyerno na suportahan ang mga atleta.

Magugunitang si Go ang pumagitna para makumbinsi ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at Philippine Basketball Association (PBA) para magpadala ng basketball team sa Asiad sa kabila ng sinasabing kakulangan na ng panahon para magsanay at makabuo ng isang national team.

TAGS: Asian Games, bong go, duterte, PBA, SBP, Asian Games, bong go, duterte, PBA, SBP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.