Senado hinamon na isulong ang separate voting sa Federalism

By Erwin Aguilon August 06, 2018 - 02:59 PM

Hinamon ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang Senado na sumang-ayon sa panukala ni House Speaker Gloria Arroyo na hiwalay na pagboto sa charter change.

Sinabi ni Evardone na sa pamamagitan nito masusubukan kung talagang kaisa ang Senado sa pagpapalit ng Saligang Batas.

Paliwanag nito, noong una ay ang Senado ang nagpipilit na magkaroon ng separate-voting sa Federalism.

Samantala, sinabi ni House Committee on Constitutional Amendments Chairman Vicente Velos na palitan ang ipinasang House Concurrent Resolution No. 9 na ipinasa para sa pag-amyenda sa Konstitusyon.

Papalitan anya nila ng salitang “separate voting” sa halip na “joint voting” ang paraan ng botohan sa Federalism upang mawala ang duda ng Senado.

TAGS: Arroyo, charter change, evardone, federalism, seperate voting, Arroyo, charter change, evardone, federalism, seperate voting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.