Napansin ang Pederalismo sa ginawa ni Asec. Mocha – Roque

By Chona Yu August 06, 2018 - 12:05 PM

Mocha Uson Blog Facebook

Naniniwala ang Malakanyang na nakamit ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson ang hangarin o layunin na mapag-usapan ng taong bayan ang isyu sa Pederalismo.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dahil sa controversial video ni Uson na ipino-promote ang Pederalismo sa pamamagitan ng double meaning na sayaw at kanta ay napansin ito ng taong bayan.

Gayunman, sinabi ni Roque na napag-usapan ang Pederalismo sa negatibong pamamaraan.

Ayon sa kalihim, kung siya ang tatanungin, ibang pamamaraan ang kanyang gagamitin para maipahayag sa taong bayan ang Pederalismo.

Sinabi pa ni Roque na seryosong usapin ang Pederalismo dahil makaaapekto ito sa pinakaimportanteng batas sa Pilipinas lalo’t may epekto ito sa pang araw-araw na pamumuhay ng bawat Filipino.

Makakasama ng Consitutional Commission sa information drive sa Pederalismo ang tanggapan ni Roque na Office of the Presidential Spokesman at Presidential Communications Operations group ni Secretary Martin Andanar.

TAGS: Asec Mocha Uson, federalism, Radyo Inquirer, Asec Mocha Uson, federalism, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.