Utos ng DOLE na iregular ang mahigit 7,000 manggagawa ng PLDT, hinarang ng CA

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 06, 2018 - 11:53 AM

Inquirer file photo

Pinaburan ng Court of Appeals ang apela ng kumpanyang PLDT na kumukwestyon s autos ng Department of Labor and Employment (DOLE) na irregular nila ang mga contractual nilang mga empleyado.

Ayon sa pahayag ng PLDT, natanggap nila ang kopya ng desisyon ng CA ngayong araw ng Lunes, August 6, pero may petsa ang desisyon na July 31, 2018.

Sinabi ng PLDT na nagpalabas ng injunction order ang CA laban sa naging desisyon ng DOLE na rregular ang mahigit 7,000 nitong manggagawa.

Inatasan din ng CA ang DOLE na magsagawa pa ng dagdag na proceedings sa isyu para matukoy kung anong contractors at sinu-sinong manggagawa ng mga contractors na ito ang nagtatrabaho sa PLDT para sa installation, rapir at maintenance ng mga linya.

Pinagsasagawa din ang DOLE ng mas tamang computation ng monetqary awards para sa mga benepisyo gaya ng mga hindi nabayarang overtime o 13tn month pay.

Sinang-ayunan din ng CA ang pahayag ng PLDT na nagkaroon ng grave abuse of discretion sa panig ni Labor Sec. Silvestre Bello III nang ipag-utos ang regularization sa mga manggagawa.

Ayon sa PLDT, pinag-aaralan na ng kanilang mga abogado ang susunod na hakbang matapos ang paborableng desisyon ng CA.

TAGS: court of appeals, DOLE, pldt, Radyo Inquirer, court of appeals, DOLE, pldt, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.