ES Medialdea tutol na gamitin si Asec. Uson para sa kampanya sa Pederalismo; Con-Com pinalalayo na kay Uson
Mismong si Executive Secretary Salvador Medialdea ay tumutol sa panukala ng Constitutional Commission na gamitin si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson para sa information dissemination sa Pederalismo.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, nakausap na niya si Medialdea bago pa man kumalat ang viral video ni Uson kasama ang isang blogger na si Andrew Olivar na mistulang malaswang pino-promote ang Pederalismo.
Ayon kay Andanar, naniniwala si Medialdea na isang seryosong usapin ang Pederalismo na dapat na ipaliwanag ng mga eksperto lamang.
Kasabay nito, pinayuhan na ni Andanar si Con-Com spokesman Conrado ‘Ding’ Generoso na mag-disengage na o dumistansya na kay Uson.
Mas makabubuti aniya na huwag nang isama si Uson sa information drive.
Paliwanag ni Andanar, hindi naman kasi talaga kasama si Uson sa mga unang napag-usapan sa information drive para sa Pederalismo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.