IED natagpuan sa mataong lugar sa Mlang, North Cotabato

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 06, 2018 - 09:22 AM

May natagpuang bomba sa isang mataong lugar sa bayan ng Mlang, North Cotabato Linggo ng hapon.

Ayon kay Supt. Bernard Tayong, ng North Cotabato police provincial office, isang kahina-hinalang bag ang iniwan malapit sa isang tindahan sa Magsaysay Avenue at nang ito ay buksan ng mga otoridad ay nakitang improvised explosive device (IED) pala ang laman nito.

Inilagay ang IED malapit sa mga pasahero na nag-aantay ng masasakyan papuntang bayan ng Tulunan.

Agad kinurdon ng mga pulis ang lugar at saka idinetonate gamit ang water disruptor. Ang IED ay ginamitan ng black powder, mga pako, mga bubog at cellphone bilang triggering device.

Ayon kay Mayor Russel Abonado ng Mlang, malinaw na nais na maghasik ng terorismo ng nag-iwan ng bomba.

Katatapos lamang ng selebrasyon sa Mlang para sa founding anniversary ng bayan

 

TAGS: IED, Mlang North Cotabato, Radyo Inquirer, IED, Mlang North Cotabato, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.