Sinabi ito ni Lovato sa isang statement na ipinost sa kanyang social media account kasunod ng drug overdose noong nakaraang buwan.
Sa kauna-unahan niyang pahayag mula nang ma-ospital, sinabi ng singer na nais niyang magpokus sa tuluyang paggaling.
Nagpasalamat din ang singer sa mga staff ng Cedars-Sinai Medical Center sa California kung saan siya na-confine matapos matagpuang walang malay sa kanyang bahay noong July 24 dahil sa opioid overdose.
Nagpasalamat din si Lovato sa patuloy na suporta ng kanyang mga fans at umaasa siyang muling makakabalik sa pag-awit.
Hindi naman sinabi sa ulat kung tuluyan nang papasok sa rehabilitation si Lovato pero may report na nasa isang “live-in facility” ang singer.
Hindi naman itinago ni Lovato ang ilang taong “substance abuse” at ibinahagi pa niya ito sa isang documentary na mga pamagat na “Simply Complicated.”
May ginawa din siyang kanta patungkol sa kanyang adiksyon na may titulong “Sober.”
Bukod sa substance abuse, inamin din ni Lovato na sumailalim siya sa “treatment” kaugnay naman ng bipolar disorder at bulimia.