PH ID System Act makatutulong ng malaki kontra red tape sa gobyerno – Malakanyang
Umaasa ang Malakanyang na malaki ang maitutulong ng Philippine Identification System Act para magkaroon transparency at epektibong sistema sa public service.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, milyun-milyong Filipino ang tiyak na makikinabang sa bagong batas.
Sa ilalim ng Philippine Identification System Act, iisang ID na lamang ang kinakailangan na iprisinta sa mga transakayon sa gobyerno.
Sa ganitong paraan ayon kay Roque mahihirapan na ang mga masasamang loob na makagawa ng fraud.
Sinabi pa ni Roque na noon pa man pursigido ang pangulo na labanan ang red tape sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.