Ayon kay Pimentel, nagkamali siya sa pag-aakalang makatutulong si Asec. Uson sa kampanya hinggil sa pederalismo.
Dagdag pa ng senador, hindi niya lubos akalain na bababuyin pala ng opisyal ang “cause” ng Federalism.
Dahil sa nangyari mas mainam ayon kay Pimentel na pag-aralan na lang munang mabuti ni Uson ang usapin.
Hiniling din ni Pimentel na mag-leave muna ito sa pwesto.
“Di ko lubos akalain na bababuyin pala nila ang kawsa ng Pederalismo. Ilayo na si Mocha sa Pederalismo. Mag-aral muna siya ng mabuti. Mag leave muna siya,” ayon kay Pimentel.
Magugunitang inulan ng batikos ang video na bahagi ng “Good News Game Show” ni Uson.
Ito ay dahil sa pagsayaw ni Olivar habang kumakakanta gamit ang double meaning na lyrics at ang sentro ay ang Pederalismo.