Nasawi sa panibagong lindol na tumama sa Lombok, Indonesia umabot na sa 82
Umabot na sa 82 ang nasawi sa panibagong lindol na tumama sa Lombok island sa Indonesia.
Naganap ang magnitude 7.0 na lindol isang linggo matapos tumama ang magnitude 6.4 na lindol sa parehong lugar noong July 29 na ikinasawi ng 17 katao.
Ayon sa USGS, 15 kilometro lang ang lalim ng panibagong pagyanig na nagdulot ng panandaliang tsunami at pinsala sa mga gusali na umabot hanggang sa Denpasar sa Bali.
Nakitaan din ng sira maging ang airport terminal at department store sa lugar.
Tumama ang lindol gabi ng linggo at ang epicenter ay naitala sa northern part ng Lombok.
Libo-libong katao naman ang lumabas sa kanilang mga tahanan at nagpunta sa ligtas na lugar makaraang maramdaman ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.