Administrasyong Duterte napanatili ang ‘very good’ rating para sa 2nd quarter ng 2018

By Rhommel Balasbas August 06, 2018 - 04:34 AM

Napanatili ng administrasyong Duterte ang ‘very good’ rating nito para sa second quarter ng taon ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Nakakuha ang administrasyon ng +58 net satisfaction rating tulad ng sa March 2018 survey.

Ayon sa survey, 72 percent ng adult Filipinos ang ‘satisfied’ o nasisiyahan sa pangkahalatang performance ng pamahalaan, 15 percent ang hindi tiyak o ‘undecided’ habang 13 percent ang ‘dissastisfied’ o hindi nasisiyahan.

Napanatili ng administrasyon ang net satisfaction rating kahit naitala ang pagbaba sa Metro Manila at Visayas dahil sa pagtaas naman sa Mindanao at Balance Luzon.

Excellent ang net satisfaction rating sa Mindanao sa 76 percent, very good sa Balance Luzon sa 54 percent.

Sa Metro Manila naman ay good na lamang ang net satisfaction rating mula sa +58 noong March sa +47 sa second quarter.

Sa Visayas ay bumaba lamang ng isang puntos at nanatili sa very good o +56.

Tinanong din ang respondents sa ilang mga isyu kung saan good na lamang ang administrasyon sa aspeto ng paglaban sa terorismo at pagprotekta sa karapatang pantao.

Gayunman, mula sa pagiging moderate ay very good na ang gobyerno sa pagtaguyod sa karapatan ng kababaihan habang good na rin sa pagtugon sa problema sa kagutuman ng mga pamilyang Filipino.

Pinakamataas ang nakuha ng administrasyon sa aspeto ng imprastraktura sa +62; rehabilitasyon ng Maraci City sa +55; at pagtaguyod sa kapakanan ng Overseas Filipino Workers.

Isinagawa ang suvery mula June 27 hanggang June 30 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 Filipino adults sa buong bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.