Ceremonial signing ng BOL, magaganap mamaya

Isasagawa mamaya sa Palasyo ng Malacañang ang ceremonial signing ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ang BOL o opisyal na tinatawag na Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay nagbigay daan para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na tuluyan nang nag-aalis sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ito ay resulta ng ilang dekadang negosasyon sa pagitan ng mga rebeldeng grupo sa Mindanao at ng gobyerno.

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang makasaysayang seremonya na dadaluhan din ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ng Bangsamoro Transition Commission.

Ayon kay Presidential Adviser Jesus G. Dureza, ang seremonya ay simbolo ng tagumpay para sa Bangsamoro peace process.

Ang paglagda ng pangulo sa batas ay patunay lamang anya ng pagtupad ni Pangulong Duterte sa kanyang pangako noong kampanya – ang pangunahan ang pagbibigay ng pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon ng Mindanao.

Ayon naman kay Bangsamoro Transition Commission Ghazali Jaafar, ang magaganap ngayong Lunes ay simula ng mas magandang bukas para sa Bangsamoro.

Read more...