Pangulong Duterte lalagdaan ang national ID law ngayong araw

By Rhommel Balasbas August 06, 2018 - 04:11 AM

Inaasahang lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang batas para sa national ID system.

Ang paglagda ng pangulo ay magaganap mamayang hapon sa Rizal Hall sa Malacañang, kaparehong araw na idaraos ang ceremonial signing ng Bangsamoro Organic Law.

Layon ng batas na magbigay ng isang identification card (ID) o isang pagkakakilalan para sa lahat ng mamamayan dahil sa kasalukuyan ay maraming IDs ang kinakailangan para sa mga serbisyo ng gobyerno.

Sa ilalim ng national ID law, isang ID na lamang ang gagamitin sa lahat ng transaksyon at magbibigay ito ng proteksyon sa publiko laban sa terorismo at iba pang banta sa seguridad.

Inaasahan ding wawakasan nito ang red tape.

Lalamanin ng ID ang buong pangalan ng mamamayan, kasarian, blood type, petsa ng kapanganakan, lugar ng kapanganakan, address, marital status, larawan at ang identification system number.

Naratipikahan na ng Kongreso ang panukala noon pang Mayo.

Aabot sa P30 bilyon ang magiging gastos para mabigyan ng national ID ang lahat ng Filipino.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.