Petro Gazz magpapatupad ng rollback sa presyo ng langis ngayong umaga

FILE

Unang magpapatupad ng tapyas sa kanilang produktong petrolyo ang kumpanyang Petro Gazz alas-6:00 ngayong umaga.

Sa abiso ng Petro Gazz P0.20 ang tapyas sa kada litro ng kanilang gasolina at diesel.

Ang Shell naman ay mayroong P0.10 na rollback sa kada litro ng gasoline at diesel habang P0.25 kada litro ang bawas sa kerosene o gaas.

Bukas, alas-6:00 din ng umaga ipatutupad ng Shell ang rollback.

Nauna nang sinabi ng industry sources nitong weekend na aabot sa P0.10 hanggang P0.25 ang tapyas sa kada litro ng gasoline at diesel.

Ang presyo naman ng kada litro ng kesosene o gaas ay inaasahang mababawasan ng P0.20 hanggang P0.30 sa kada litro.

Read more...