Duterte inutusan ang DBM na pondohan ang mga infrastructure project sa bansa

By Chona Yu August 05, 2018 - 06:47 PM

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Budget and Management (DBM) na isantabi ang pulitika at bigyan ng pondo ang lahat ng infrastructure project sa bansa.

Sa talumpati ng pangulo sa Malaybalay, Bukidnon, sinabi nito na wala siyang pakialam sa political affiliation o partidong kinaaniban ng isang opisyal ng gobyerno basta’t siguraduhin na patas na naipamamahagi ang pondo sa lahat.

“So what else can I say except that I intend to finish my job. I’d limit it to the five fundamentals. Tutal ‘yang mga infrastructure nandiyan talaga. And my order to Diokno is lahat. No, no, no political color. Bigyan mo lahat. You spread the money of the Republic of the Philippines so that all will benefit,” ayon sa pangulo.

Iginiit pa ng pangulo na target niyang tapusin ang kanyang trabaho at matupad ang pangako sa taumbayan na aayusin ang Pilipinas.

May mga lokal na opisyal naman aniya na matitino at mapagkakatilwaan ng pera ng bayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.