Deployment ban sa Libya dapat paigtingin ayon sa isang mambabatas

Naniniwala si ACTS OFW representative Aniceto Bertiz III na panahon na para paigtingin ang deployment ban ng Pilipinas sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Libya.

Pahayag ito ni Bertiz matapos ang insidente ng pagdukot sa tatlong Pinoy workers sa Libya.

Ayon kay Bertiz, matagal nang mayroong deployment ban ang bansa dahil sa nagpapatuloy na civil war.

Maaari aniyang nakakuha ng tatlong Pinoy ng working visa sa third party.

Sinabi pa ni Bertiz na posible ring matagal nang nasa Libya ang tatlong Pinoy workers at hindi tumugon sa alok na repatriation ng gobyerno ng Pilipinas.

Aabot na sa 14,000 Pinoy workers ang napauwi ng Pilipinas sa Libya mula 2011 hanggang 2014.

Read more...