Bilang ng mambabatas madadagdagan kapag naging pederalismo na ang pamahalaan

By Chona Yu August 05, 2018 - 06:08 PM

Ibinunyag ni Buhay Partylist Representative Lito Atienza na madodoble ang bilang ng mga partylist representative sa isinusulong na pederalismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Atienza, mula sa 20%, magiging 40% na ang bilang ng mga partylist representative kapag nabago na ang kasalukuyang porma ng gobyerno na unitary patungo sa pederalism.

Pero ayon kay Atienza, makabubuti naman ito dahil magkakaroon na ng mga kinatawan ang iba’t ibang sektor ng lipunan gaya ng mga senior citizen, kababaihan, at iba pa.

Sa kasalukuyan, nasa 292 ang bilang ng mga kongresista kung saan 233 ay inihalal ng congressional district habang ang 59 ay kinatawan ng mga partylist group.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.